Friday, August 20, 2010

5:19

(sing along with the music)


I'd be lying throught my teeth if I told you
That I'm ok

When July came I thought I had it all together
Til' you said I need some space
Truth be told
It's so hard to wait

With one eye on the clock
And one on the phone
It's 5:19...
I'm feeling alone
And if I could talk to you
I'd want you to know
I'm holding loose
But ain't letting go

We both know that I could think myself dizzy
Right now I'm spinning around
I know you said, "baby, don't worry"
But I miss you right now
I said I, miss you right now

With one eye on the clock
And one on the phone
It's 5:19...
I'm feeling alone
And if I could talk to you
I'd want you to know
I'm holding loose
But ain't letting go

Baby, take all the time you need
I just want you to know
I'll be here, waiting

With one eye on the clock
And one on the phone
It's 5:19...
I'm feeling alone
So if I could talk to you
I'd want you to know
I'm holding loose
But ain't letting go.

```Saan Ba Ako Patungo


BAKIT GANON? PAKIRAMDAM KO NAWAWALA AKO

DI KO ALAM ANG LANDAS NA TATAHAKIN KO


DI KO ALAM KUNG SAN AKO TUTUNGO

SA BAWAT ARAW PALAGI AKONG NAGUGULUHAN


MADAMING MGA TANONG ANG GUMUGULO SA ISIPAN KO

MGA TANONG NA NAGHAHANAP NG KASAGUTAN


KASAGUTAN NA HINDI KO ALAM KUNG SAN MATATAGPUAN

NASA PUNTO AKO NGAYON NG BUHAY NA HINDI KO ALAM KUNG SAN PATUNGO


PAKIRAMDAM KO INIWAN AKO NG LAHAT

INIWAN AKO SA PANAHON NA KAILANGAN KO NG KASAMA


OO, SIGURO MARAMING HINDI NAKAKAALAM

MARAMING HINDI NKAKAPANSIN


DAHIL NGAYON, PURO PAGPAPANGGAP LANG ANG LAHAT!

SA KABILA NG MGA NGITI NA NAKIKITA NIYO



MAY DAMDAMIN AKONG LUBOS NA NASASAKTAN.


(special thanks to Thelma Aludo)







```Same as Before



A friends come a long way,
Through night and day.
Through sadness and happiness
Be here all day.






Sometimes fails, everytime gains
In memories never fades.
Let the time passed,
But the friendship never last.




As our past reminiced,
And as smile glitters on my face.
May our friendship and laughter,
Stay still the same to "ever after"

Saturday, August 7, 2010

```SALDO Family!


Papa
Tawagin na lang natin siya sa pangalang Ronnie. Makulit at masayahin, di naman siya mahigpit pagdating sa mga anak pero maraming na
gsasabi cool daw siya. naku! asahan mo to! antukin!, once na nakatulog ang hirap ng gisingin.

Mama
Ito naman ang mama ko. Vivian for short. Sakit mangurot! Itong mama ko ay addict sa BINGO at Zuma. Minsan nga inaagawan pa kami nito sa computer ^_^. Hays! wag na wag ninyo siyang gagalitin kundi simulan niyo ng magwalis ng mga bubog at kung anu-ano pang masisirang gamit. Pero mabait tong mama ko, the best!. Siya yung tipong maalalahanin at mapagmahal. Sabi nga nila "mothers know best".
Ate
Ito naman si ate Jennie, maganda daw siya. Bagay sa kanya ang linyang "small but terrible" kasi naman, kahit maraming problema smile parin kasi nga daw maganda siya ^_^. Congrats! nakapasa siya sa license exam para maging tunay na caregiver.jejeje...
Ako
Ako? ako si Gem, mabait, masayahin, corny type na tao, mahiyain, tahimik ehem!, thoughtful (no violent reaction ^_^). Favorite ko Piattos, favorite color ko Blue. Di ko hilig makipag plastikan sa iba. Gusto ko kung may problema, pag-usapan natin!

Layn
Ito si Caroline, tawag sa kanya Layn. Bungisngis na bata, matigas ulo madalas mapalo at medyo boyish. Ayaw niya ng magdress gusto niya casual lang na may cap. Hays! Pasaway to in short.

Bunso
Ito naman si Daniela. Ang nagpapasaya sa aming lahat. Maligalig kasi at sobrang bibo, hindi rin ito magpapatalo sa ate niya pasaway rin. Favorite niyang palabas, Makibaoh. Tawag ko sa kanya "kulot", kasi literal na kulot talaga siya. Pero wag ninyong smolin si bunso, matalino to!

Yan ang SALDO Family!

```The BARkada


BARkada pa rin ba?
BARkadang kay saya, BARkadang kay ganda.
Di matawaran ang pagsasamahan,
Di rin maikakaila ang pagkakaibigan.

Sa panahong nagdaan,
BARkada pa rin ba ang turingan?
At BARkada pa rin ba ang masasandalan?
O sadyang nagbago na ang BARkadahan?

Di maikakaila na iba't-iba na ang landas,
Nang BARkadang nagsamang madalas.
Sanay di pa huli ang lahat,
Para ang BARkada'y muling magsamang lahat!

```Mga Tirador ng Free-Taste

Mam! Sir! Free taste po!!! Yan ang nakakaenganyong boses ang maririnig sa mga mall particularly sa mga supermarket. Parang box office hit ang pila dito. Ang iba they want to try because of curiosity and interest to the product as well. Pero yung iba talaga ginawa ng feeding program ang mga free taste post, pantawid gutom at pantawid uhaw ika nga. Meron pa jan hindi nakuntento pumila pa ulet. Daig pa yung mga tracking device ngayon, kasi sila alam kung kelan at saan magkakaroon ng free taste hehehe...

Wala lang nagawan ko lang ng post, kasi kanina sa isang mall na pinuntahan ko may free taste dun ang haba ng pila, pero sa sinehan parang walang interisado ^_^.

Monday, August 2, 2010

XB Gensan


The first ever champion in Showtime (a talent show). The group performed well and invulnerable. They didn't afraid to show what they've got despite of being the only one group whose to represents the Mindanao. The group is deserving to that title, so give it up! to XB Gensan!







Lihim na Pagtingin



Panahon pa ng kamusmusan, ikaw na ang tuwina
At sa eskwela ikaw lang ang nakikita.
Halimuyak mo'y aking inaasam,
Ngunit ang paghanga'y hindi pwedeng iparamdam.


Lihim na pagtingin,
Sayo'y di pwedeng aminin.
Inabot man ng kasalukuyan,
Hindi pa rin ito'y naipahahayag.


Naghangad na sana'y ika'y muling makasama,
Kahit man lang ito'y saglitang pagkikita.
Nang bago mahimbing hindi na muling humiling,
Na sa aking panaginip ika'y aking makapiling.


Saturday, July 31, 2010

```Wild Life for Sale


Environmental advocate, Richard Gutierrez, probes the black market of endangered species on the GMA News and Public Affairs Special: “Wildlife for Sale.”

Richard’s new documentary titled “Wildlife for Sale” is his fourth time hosting an environmental special on GMA-7 after “Signos: Banta ng Kalikasan” and “Full Force of Nature” in 2008 and the award-winning “Planet Philippines” in 2009.

The said docu will be launched on July 11 and the matinee idol takes pride to say that he acted as a journalist in the field.

“I can say I did my best as a field journalist. Kasi before when I did Planet Philippines, it was more of reporting pero this time lagi kaming on the go. We are racing against time. So far, this docu is the most risky compared to the ones I did before. Mayroon pa kaming buy-bust operation. First time kong nakakita ng isang tao na inaaresto sa harapan ko dahil sa wildlife trading. Marami talaga akong na-experience sa documentary na ito na I can say would help me in my future documentaries,” said Richard.


-Reference:

www.starmometer.com

http://www.starmometer.com/2010/07/05/wildlife-for-sale-is-richard-gutierrez-4th-docu-on-gma/

```Loyal Kami sa Mcdo ^_^

Ang tamaan wag magagalit... jejeje...

Meron akong mga kakilala na hilig kumaen sa Mcdo. Bakti kaya? Ewan ko ba, sarap na sarap sila sa Mcdo. Walang duda naman na masarap ang foods doon at very accommodating ang mga personnels but part ng work nila yun. Pero ito talaga ay parang they born to eat and be loyal to Mcdo. Kung meron nga lang loyalty award I'm sure hinakot na nila ang mga tropeyo, ribbon at sash. jejeje...

Masayang kumain kapag kasama ang iyong kaibigan. Kwentuhan, lokohan at walang humpay na tawanan habang umiinom ng coke float at ninanamnam ang salty fries dip in ketsup,

Minsan nga matry kung ano feeling jejeje...

Pero ika nga we are living in the democratic country. Walang pakealamanan!!!

```Ang Taba Mo!!!


Paano ko nga ba ito dapat damhin? Compliment ba ito o pang-iinsulto na? Marahil sa ibang tao panlalait na kapag nasabihan siya ng ganitong linya. Pero para sakin, compliment ito (YES! ang taba ko daw ^_^)

Maraming mga katropa, kaklase, kamag-anak ang matagalna akong hindi nakikita, at tuwing nagkakakitaan kami, laging pambungad "Ang Taba Mo". Pero ewan ko ba, parang ang sarap ng feeling! siguro kasi ang payat ko dati kaya lang ako natutuwa.

Akala ko dati kapag tumaba ka eh dyahe, hindi naman pala depende lang kung paano mo ito dadalhin. Sa personalidad pa rin ng tao nakasalalay ang mahalaga wala kang nasasaktan.



Musika, Parte ng Buhay Ko

Ang musika ay nakakaapekto sa maraming tao. Ito ay mahalagang elemento sa aking buhay. Ito ang minsan na nagbibigay sakin ng inspirasyon to go through life. Ito rin ang nagpapawi ng kalungkutan na nagpapabigat sa buhay ko. Ang sarap sa pakiramdam kapag naririnig ko ang ma paborito kong kanta. Nakakagaan ng loob. Minsan nga, nakakatulong ang musika sa pagdedesisyon ko, kung anu ang dapat gawin, kung ano ang dapat sabihin. Lalo na pag may mga kanta akong naririnig na nagpapaalala sa akin ng masasayang pangyayari o mga tao sa buhay ko, kusa akong napapangiti. Kaya pahalagahan natin ang musika at ito'y pagyamanin.

Pick-up Lines! Effective or not?

Cheesy ka ba? Pwes heto ang bagay sayo. Ibat-ibang pick-up lines na magagamit mo, pandagdag pogi points ^_^.

  • ang pinaka malayong distansya sa mundo ay.. di

ang langit at lupa.. di rin ang timog at hilaga.. kundi, andun na ako sa
harapan nya.. pero di niya pa din makita na mahal ko sya ;)

  • If you feel little bored,

little sick, little sad,
all lost.
...
You know what's wrong?
You are suffering
from lack of Vitamin ME.

  • boy: ahmmm miss pwede ba kitang sundan?

girl: anong sundan?
boy: sundan ng sundan kahit saan ka magpunta..
girl: ha bakit stalker ka nuh?
boy: hindi ah.
girl: eh bakit nga??
boy: sabi kc ng nanay ko.. "FOLLOW YOUR DREAMS anak"..

  • boy: Pwede ba kitang maging sidecar??

Single kasi ako eh..

  • boy: Miss lakwatsira ka ba?

nakakarating ka kasi sa isipan ko!

  • boy: hi miss.. girl: hu u..??... boy: im yours :))

  • May kilala ka bang gumagawa ng relo??May sira ata relo ko.. pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko.. ;">
  • Sana tumaas na ang presyo ko..

Para naman kahit minsan matawag mo din akong..
..."MAHAL"

  • boy: ahh miss sawa ka na bang maging IKAW?

girl: hindi bakit?
boy: ahh para sana subukan mo na maging TAYO..



AYOS BA?

Single ka ba?

Single ka ba? Maraming mga single na nagsasabi na "I'm single not because of various reasons but because it's my CHOICE." Totoo nga ba? o para lang masabi sa sarili na it is normal di dapat mabahala, marami kami ^_^. Ang iba yan ang pinanghahawakan para matago ang pain. Sakit b? Pero, masaya naman ang pagiging single!!! Baket kamo? Madaming advantages ang pagiging single. Una, mas focus ka sa sarili mo, kasi wala ka naman iintindihin na ibang tao. Pangalawa, you can talk whoever you want, whenever you want to. Saya di ba? Walang magbabawal kung sino lang pwede kausapin. Pangatlo, buhay mayaman ka teh! galeng! oh di ba wala kang required na itreat. Pang-apat, walang badtrip moments speaking of love, bawas stress teh!

Kaya wag kang mahiya. Be proud you are one of those single that's ready to mingle ^_^

Paalala: Ang article na ito ay hindi nagbibigay motibo sa mga may relasyon na makipaghiwalay para madama ang mga advantages ng mga SINGLE.

Kolehiyo ako!?!


Maraming nagsasabi mahirap daw ang buhay studyante lalo na sa kolehiyo. Oo nga naman, ang daming mga reklamong naglilitawan tulad lang pag may bagyo, kadalasan naman kasi elementary at highschool lang ang suspendido. Paano naman ang mga college students? Tugon nila "Ano akala ninyo sa amin? Waterproof?." Funny but true... Pero ang buhay kolehiyo ay mahirap na masaya. Mahirap kasi thesis will be part of your life and masaya kasi you'll become mature enough to handle things out. Kaya lang, dito rin nabibuild-up yung confidence na kung minsan lumalaki ang ulo. Given that you are a college student, in that reason, expectations from other people will rise. Sana lang, wag magdesisyon ng basta-basta. To make others feel that you are a college student you must feel it first to yourself by means of action before you can brag that
Kolehiyo ako!










PORMA

Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay may ibat-ibang fashion statement. Kabilang ang mga
sumusunod:




Rakista o Emo



Punkista o Hiphop



o baka Jejemon?

TUBIG!!!




Hindi ka naman siguro bingi at bulag para hindi mo mapansin ang krisis sa tubig. O baka naman nagbubulagbulagan ka lang sa ngayon dahil di mo pa ito nararanasan. HOY!!! Gising! Magising ka sa katotohanan at wag mahimbing sa mahinasyon mo na walang dahilan para maubos ang tubig. Siguro kaya ka ganyan, dumidepende ka sa guro mo sa Science na nagsabing "water is constant," o kaya naman sa "70.8% are water surface in the world." Walang duda na tama naman ang impormasyon. Marami ngang tubig at siguradong hindi tayo mauubusan (wow!, yun naman pala eh!). Ang tanong, lahat ba yanay pwedeng inumin at hindi makasasama sa tao? (napaisip ba?). Hindi naman nagkulang ang gobyerno sa paalala at programa, mismong mga private companies tumutulong na rin. Halimbawa na rito ang mga comfort room sa mga malls. Di ninyo na ba napansin na ang urine cubicle hindi na kailangan iflush? pati na rin ang mga gripo ay dipindot na lang na tumitigil kusa? Lahat sila ay iisa lang ang paalala sa mga tao.



"Conserve Water"

```Galit na galit na nga prof mo tawa ka pa rin ng tawa!


Siguradong maraming studyante ang makakarelate sa article na ito. Marahil sa naging saksi o di naman kaya'y nagawa niyo na rin ito, sa paningin ng mga mag-aaral ay kasiyahan ito na minsan nag-uudyok sa kanila na pumasok sa paaralan. Totoo! Masarap mag-aral kung masaya ang klase. Pero! Hindi ba natin naisip na kung minsan ay nakakabastos na para sa mga propesor ang mga ganitong pangyayari? Oo, minsan may mga propesor na wala sa lugar para mangaral, na kung saan naaaksaya ang oras ng pag- aaral dahil nauubos it sa pangangaral ng paulit-ulit?. Mag-isip, bakit kaya paulit-ulit nila itong ginagawa? Sadya lamang bang makulit sila o may gusto silang itatak sa mga kokote ng studyante?

Nakakatawa pa rin ba ang propesor m?


Saturday, July 3, 2010

```tunay kang Filipino kapag..!


kapag tinatamad kang tumawid sa overpass...
kapag marunong kang magkamay pagkumakain...
kapag masipag kang magwalis tuwing umaga...
kapag umuutang ka ng softdrinks sa tindahan tuwing may bisita...
kapag magaling kang sumabit sa jeep...
kapag ginagawa mong ulam ang kape sa kanin...
kapag posporo ang pang linis mo ng tenga...
kapag nakakakita ng uod nilalagyan ng asin...
kapag gumagamet ka ng tabo...
kapag pinaglalaban ang gagamba...
kapag hustler ka sa jolen...
kapag nagsasabi ka ng tabi tabi po kung najijingle sa kung saan...
kapag alam mo kung panu mag black magic sa sipa...
kapag naranasan mong mag-abono pag kulang ang tray tuwing recess sa elementary...
kapag mahilig kang magsabi ng "may facebook ka?"



eto pinakamalupet...



kapag nanghuhuli ka ng tutubi nung bata ka pa at pangarap mo mahuli yung tutubing kalabaw pagmalaki ka na!!!!

Monday, June 28, 2010

Funny but true...

The couple that fights the most is the one most in love...
it shows they care enough to notice the other one screwed up
and care enough to mention it to the person so they can fix it.
When you stop fighting it means you stopped caring.
There was an error in this gadget